Pagbaba sa ratings ni Duterte, minaliit ng Palasyo

By Chona Yu, Kabie Aenlle April 06, 2017 - 04:23 AM

 

Duterte christmas 16Minaliit lang ng Malacañang ang pagbaba ng performance at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakahuling Pulse Asia Survey.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sa kabila ng mga ibinabatong kritisismo laban sa pangulo, maituturing na mataas pa rin ang nakuha niyang ratings.

Aniya pa, patuloy pa ring sinusuportahan ng mga tao ang mga isinusulong ni Pangulong Duterte para sa ikabubuti ng bansa.

Kabilang aniya dito ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang pamahalaan, at pangmatagalang kapayapaan.

Ani pa Abella, maganda pa rin ang resulta nito lalo’t sunud-sunod ang mga pagbatikos sa pangulo, tulad na lamang ng impeachment complaint na inihain laban sa kaniya noong March 16, at ang paglutang ng mga self-confessed assassin na iniuugnay ang pangulo sa mga patayan.

Kasagsagan din ito noong mga panahon na maraming lumabas na human rights reports laban sa drug war ng administrasyon at ang pagpapalabas ng video message ni Vice President Leni Robredo sa harap ng mga kinatawan ng United Nations.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey na inilabas kahapon, bumaba ng five percentage points ngayong Marso sa 78 percent ang nakuha niyang performance rating, mula sa dating 83 percent noong Disyembre.

Dagdag pa ni Abella, suportado ng mga mamamayan ang mga desisyon ni Pangulong Duterte, at naniniwala ang mga ito na walang basehan ang mga ibinabatong batikos laban sa kaniya ng mga oportunista tulad ni Sen. Antonio Trillanes IV.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.