Ayon kay PHIVOLCS research assistant Roschelle Ablan, pagdating ng alas-3:00 ng hapon ng Miyerkules ay nakapagtala na sila ng 503 na aftershocks.
Gayunman, sa nasabing bilang, 63 lamang ang na-plot nila, habang siyam lang sa mga ito ang naramdaman.
Ang pinakamalakas na naramdamang aftershock ay ay ang magnitude 4.9 na naitala 12:49 ng hatinggabi ng Miyerkules, kung saan naranasan ang intensity 3 sa Tagaytay City, Quezon City at Pasig City.
Sa lakas ng pagyanig na tumama sa Tingloy, Batangas noong 8:58 ng gabi ng Biyernes, naramdaman ito hindi lang sa nasabing lalawigan kundi pati sa mga kalapit na probinsya, at hanggang sa Metro Manila.
Naitala ang intensity 6 sa Batangas City, intensity 5 sa Malvar at Calatagan, at intensity 4 sa Cuenca, Makati city, Sta. Ana, Manila, Valenzuela city, Obando, Bulacan; Silang, Noveleta, Imus, Indang at Tagaytay city sa Cavite; at sa Calamba, Laguna.