1,000 residente nasunugan sa Bacoor, Cavite

By Jay Dones April 06, 2017 - 04:18 AM

 

Mula sa Twitter/@BacoorCityGovt

Umabot sa higit isanlibo katao ang naapektuhan ng malaking sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Bacoor City sa Cavite, Miyerkules ng hapon.

Partikular na tinupok ng apoy ang tinatayang aabot sa 600 mga kabahayan sa Barangay Maliksi 3.

Nagsimula ang sunog dakong alas 4:30 ng hapon, at ganap lamang naapula makalipas ang higit-kumulang limang oras.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar, mabilis na kumalat ang apoy sa lugar.

Agad namang nagpulong ang City Disaster risk reduction and Management Council ng lungsod upang mabigyan ng tulong ang mga naapektuhang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.