PNP, AFP payag na magsakripisyo para sa mga miyembro ng Kadamay

 

Inquirer file photo

Susunod ang PNP sa pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na sa grupong Kadamay ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan na nakalaan sana para sa mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, handa silang magsakripisyo para magkabahay ang mga miyembro ng Kadamay

Ayon kay Carlos, kakausapin nila at pagpapaliwanagan ang kanilang mga tauhan tungkol dito upang mas maintindihan ang panawagan ng Presidente.

Umaasa naman ang pulisya na hindi aabusihin ng mga militante ang kabaitan ng pangulo at nanawagan wag na sanang okupahin pa ng Kadamay ang iba pang pabahay para sa mga pulis.

Maliban sa Pandi, sinubukan ding okupahin ng Kadamay ang ilang housing projects sa Rizal at pribadong lupa sa Quezon City.

Samantala, Wala naman aniyang problema sa panig ng AFP sa desisyon ng pangulo na ipagkaloob sa Kadamay ang mga units na para sana sa mga sundalo sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, mas makakabuti ito kahit na sabihin na mga maka kaliwa ang mga Kadamay.

Hiling lamang aniya ng AFP sa pangulo na muling idisenyo ng mas maluwag ang espasyo ng mga itatayong pabahay dahil nakadisenyo ito para sa mga nag-uumpisang pamilya.

Katuwiran ni Padilla, babayaran din naman ito ng mga sundalo para doon sa mga willing at kailangan ang mas maluwag na espasyo para sa pamilya.

Read more...