Pangulong Duterte, nahirapang sibakin si Sueno

Sueno Duterte
PCO File Photo

Aminado ang Palasyo ng malakanyang na naging mabigat sa kalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak sa isa sa mga nagkbunsi sa kanya na tumakbong pangulo ng bansa na si dating Interior And Local Government Secretary Mike Sueno.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, halata sa naging kilos ng pangulo sa huling cabinet meeting kung gaano kabigat ang pagsibak sa kanyang kaibigan.

Kapansin pansin din aniya sa huling cabinet meeting na hindi naging palabiro ang pangulo na taliwas sa mga nakagawiang pagpupulong.

Pagdating aniya ng pangulo sa cabinet meeting agad na nilang napansin na seryoso ang chief executive.

Dagdag pa ni Abella na pagbubukas ng cabinet meeting diretsahang tinanong ng pangulo si Sueno ukol sa umano’y mga anomaly sa DILG.

Paglalarawan ng palace spokesperson, mabigat na dinala ng pangulo ang kanyang pasiya pero kailangang niyang gawin.

Read more...