PNP, mahigpit ang paalala para sa ligtas na summer vacation
Nagpalabas na ang PNP ng mga safety tips para sa ligtas na summer vacation ngayong taon.
Sa ipinalabas na leaflets ng PNP sa pangunguna ni Supt Elmer Cereno ng PCRG Information, Communication & Development Division, pangunahin paalala ng PNP ang BLOWBAGETS kung magbibiyahe at magdadala ng sasakyan.
Battery
Light
Oil
Water
Brakes
Air
Gas
Engine
Tools
Self
Kung sasakay naman sa pampublikong sasakyan payo ng PNP iwasang magsuot ng mamahaling alahas.
Kapag maliligo naman sa beach tiyakin na marunong lumangoy o mayroong kasamang marunong lumangoy.
Para hindi mabiktima ng akyat bahay, dapat umanong ibilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang bahay at ipaalam din kung kailan babalik.
Ngayong Linggo na ang paggunita sa Palm Sunday ng mga Katoliko kung saan inaasahan ang pagdagsa sa mga probinsya at mga beach resorts ng mga taga Metro Manila para makapagbakasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.