Hinihintay na lamang ngayon ng Palasyo ng Malakanyang ang magiging rekomendasyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa panukalang pagpapatupad ng flexible time sa mga kawani ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaasahan ng Palasyo na maibibigay ng ahensiya ang kanilang rekomendasyon sa lalong madaling panahon sa harap ng konsiderasyong gawin ito sa hanay ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan.
“ One of the proposals is to have flexible working hours for government officials and employees. The Metro Manila Development Authority (MMDA) is studying this flexi-time proposal as a measure and will give its recommendation soon.” – Abella
Pagtiyak ni Abella, ginagawa at naghahanap ang gobyerno ng praktikal na solusyon para masolusyonan ang grabeng problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.
“Government is looking for practical solutions to ease the traffic situation in Metro Manila.” – Abella
Sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa, apat na presidential directives ang inisyu ng pangulo sa MMDA.
Bukod sa alisin ang mga road obstructions, nais ani Abella ng pangulo na doblehin ang multa sa mga violation gaya ng illegal parking at number coding.
Nais din aniya ng chief executive na kasuhan ng MMDA ang mga kapitan ng barangay na hindi tatalima at maghihigpit sa mga iligal na nakaparada sa kani-kanilang mga hurisdiksiyon.