Naghahanda ng draft agreement ang peace panels ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa pagpapalaya ng New People’s Army (NPA) sa kanilang mga bihag at suspensyon ng operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebelde.
Nagkasundo ang dalawang panig na ituloy ang pagpapalaya sa NPA prisoners at suspensyon ng military operation kahit wala pang ceasefire.
Ayon sa mga opisyal ng dalawang panel, ang nakabinbin na kasunduan ay isa sa main issues na naresolba sa unang araw ng ikaapat na round ng peace talks sa Netherlands.
Ang pagpapalaya sa mga bihag ng NPA ang isa sa apat na kundisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Government Chief Negotiator Silvestre Bello III, pinag-uusapan pa nila ang terms ng draft agreement.
Mayroon anyang kanya-kanyang draft ang gobyerno at NDFP na pwedeng pag-isahin na lang.