CGMA, walang personal wish sa kanyang 70th birthday

By Isa Avendaño-Umali April 05, 2017 - 12:39 PM

gloria-arroyo
Inquirer File Photo

Ang tagumpay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘wish’ ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nagdiriwang ng kanyang ika-pitumpung kaarawan ngayong April 5.

Ayon kay Arroyo, wala na siyang ‘personal wish’ dahil sa tingin niya ay nasa kanya na ang lahat, at naging pinaka-mataas na lider pa ng Pilipinas.

Pero kung may hiling man siya, sana raw ay magtagumpay si Presidente Duterte dahil ang tagumpay nito at tagumpay ng buong bansa.

Si Arroyo ay kilalang malapit kay Pangulong Duterte.

Si CGMA ay nagdiriwang ng kanyang birthday sa kanyang hometown sa Pampanga.

Kaninang umaga ay dumalo siya sa isang misa sa St. Augustine Church sa Lubao, kasama ang kanyang pamilya sa pangunguna ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

TAGS: 70th Birthday, Arroyo, CGMA, duterte, Tagumpay ng Bayan, Tagumpay ni Duterte, 70th Birthday, Arroyo, CGMA, duterte, Tagumpay ng Bayan, Tagumpay ni Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.