State of Calamity, itinaas na sa Batangas

By Rohanisa Abbas April 05, 2017 - 12:18 PM

Contributed photo Simbahan ng Taal, Batangas
Contributed Photo

Itinaas na ang state of calamity sa lalawigan ng Batangas matapos yanigin ng magnitude 5.5 na lindol Martes ng gabi (Abril 4).

Ipinatutupad na ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa lugar, at maaari na ring gamitin ng lokal na pamahalaan ang emergency funds ng lalawigan.

Paunang dalawang daang sako ng semento na ang nakatakdang ibigay ng batangas provincial government sa tingloy para sa pagpapaayos ng mga pinsala.

Isang milyong piso naman ang inilaan para sa napinsalang taal basilica para sa maisaayos ang national historical landmark.

Kabilang din sa nasalanta ng pagyanig ang kapitolyo ng batangas na tinatayang nasa labing-anim na milyong piso ang nasira, ayon kay Provincial Engineer Gilbert Gatdula.

Patuloy naman ang assessment na isinasagawa ng mga otoridad sa Batangas.

TAGS: Batangas, Batangas quake, lindol, magnitude 5.5, Provincial Engineer Gilbert Gatdula, taal basilica, Tingloy, Batangas, Batangas quake, lindol, magnitude 5.5, Provincial Engineer Gilbert Gatdula, taal basilica, Tingloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.