‘Sex predator’, nasakote ng CIDG

arrestedNasakote ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Anti-transnational Crime Unit, Bureau of Immigration at QCPD ang isang Korean national na umano’y wanted sa Korea dahil sa patung-patong na kasong pang-aabusong sexual at maltreatment.

Ayon kay Supt. Roque Merdeguia, hepe ng CIDG-ATCU, halos walong taon nagtago sa batas ang puganteng Koreano nakilalang si Seo Inho, 53 yo at residente ng New Capitol Estate 1 sa QC.

Isinagawa ng CIDG ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong mula sa Korean Police Desk sa pinagtataguan ni Seo Inho.

Agad na nakipag-ugnayan ang CIDG sa Philippine Center on Transnational Crime kung saan napag-alaman na mayroon pala itong Interpol Red Notice.

Sa nabanggit na red notice, lumalabas na si Inho ay napatunayan ng hukuman sa Korea na nagkasala sa pang-aabusong sexual at maltreatment na nahatulang mabilanggo ng 2 taon at 6 na buwan.

Agad na dinala sa tanggapan ng CIDG sa Kampo Crame si Inho para sa mas masusing imbestigasyon at agad na maiproseso ang deportation.

Read more...