Dahil sa mga maling asal sa pamumuno nababawasan na diumano ang bilang ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang tinutukoy ni Senator Antonio Trillanes ay ang palit bise rally sa Luneta Park noong nakaraang araw ng linggo kung saan base sa pagtataya ng PNP ay umabot lang sa 4,500 ang dumalo.
Sinabi pa ng senador na may tumalikod ng mga duterte followers dahil makalipas ang walong buwan na pamumuno ay hindi naipapatupad ng pangulo ang ipinangako nitong pagbabago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.