Pangakong disenteng pabahay nakakataas ng morale sa mga pulis – PNP

By Ruel Perez April 05, 2017 - 10:57 AM

policeIkinatuwa ng PNP ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan sila nang mas disenteng pabahay.

Ito ay matapos na tuluyan ng ipaubaya ng pangulo sa mga miyembro ng Kadamay ang mga housing project sa Bulacan na para sana sa mga pulis at sundalo.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos masaya ang kanilang hanay dahil magkakaroon na nang mas maayos at malaking pabahay para sa kanila.

Giit ni Carlos, nakakataas ng morale ang pangakong pagkakaroon ng komportableng pabahay na mayroon nang electricity at water connections.

Excited na aniya silang matirhan ang mga pangakong pabahay na ito ng pangulo lalot mas maliit ang mga pabahay sa mga pulis sa kasalukuyan.

Maghihintay na lamang aniya ang PNP ng announcement mula sa Malacanang kung saan lugar itatayo ang mga bagong housing project para sa mga pulis.

TAGS: Bulacan, housing units, Kadamay, Pabahay, PNP, pulis at sundalo, suterte, Bulacan, housing units, Kadamay, Pabahay, PNP, pulis at sundalo, suterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.