Sinabi ni Senator JV Ejercito na sa kabila ng pagpabor na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Kadamay itutuloy pa rin ang pagdinig sa Senado ukol sa ilegal na pag okupa sa daan daang housing units sa Bulacan.
Ayon kay Ejercito maraming tanong ukol sa programang pabahay ng gobyerno ang kailangan bigyan linaw.
Sinabi ng senador na siyang pinuno ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, na dapat ay may managot sa napabayaan mga housing projects at para malaman rin kung saan napunta ang bilyon-bilyong pisong inalaan para dito.
Bagaman hindi siya kontra sa ginawa ni Pangulong Duterte, iginiit ni Ejercito na dapat dumaan sa proseso ang mga nais makinabang sa mga proyektong pabahay ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.