Botohan sa Torre de Manila, ipinagpaliban ng Supreme Court

By Erwin Aguilon April 05, 2017 - 09:51 AM

torre-de-manilaBigong mapagbotohan sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc sa Lungsod ng Baguio ang kaso ng kontrobersyal na Torre De Manila.

Ang kaso ay inihain ng Knights of Rizal nuong 2014 sa hangad na mapagiba ang proyekto na tinawag nilang photobomber dahil sinisira umano nito ang sightline ng Rizal Monument sa Luneta Park na itinuturing na mahalagang landmark o istruktura sa bansa.

Matatandaan na natigil ang pagtatapos ng konstruksyon ng Torre De Manila matapos magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o TRO nuong 2015.

Dahil hindi natuloy ang botohan sa kaso, muli itong isasalang sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc sa April 25.

Respondent sa kaso ang DMCI Homes na developer ng Torre De Manila, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, National Commission for Culture and the Arts, National Museum at National Historical Commission of the Philippines.

TAGS: April 25, Knights of Rizal, Supreme Court, torre de manila, April 25, Knights of Rizal, Supreme Court, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.