3 sugatan sa sunog sa sunog sa San Juan

By Jong Manlapaz April 05, 2017 - 09:46 AM

SUNOG SA SAN JUAN 3 MUNTIK MASUNOG
Kuha ni Jong Manlapaz

Tatlo ang sugatan sa sunog na tumupok sa A. Bonifacio Cor A. Rita Street Kabayanan San Juan City.

Nasugatan at nagtamo ng ng second degree burn sa mukha ay si Marilyn Reyes ang 58-anyos na may-ari ng bahay kung saan nagsimula ang sunog.

Samantalang nagtamo din ng minor injury sa katawan ang dalawang iba pang residente.

Ayon kay San Juan Fire Marshall Fire Chief Inspector Greg Bomowey, nagpapainit ng tubig si Reyes nang sumiklab ang apoy dahil sa pinilit pa rin nitong gamitin ang sirang kalan.

Labinlimang bahay ang tinupok ng apoy na umabot sa ika-apat na alarma kung saan 30-pamilya ang nawalan ng tirahan habang aabot sa 900-libong piso ang halaga ng ari-ariang tinupok ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Idineklara namang fire out ang sunog bandang 2:46 ng umaga.

WATCH:

TAGS: 15 bahay, 3 sugatan, 30 pamilya, 900 k ari-arian, A. Bonifacio Cor A. Rita Street Kabayanan, san Juan, sunog, 15 bahay, 3 sugatan, 30 pamilya, 900 k ari-arian, A. Bonifacio Cor A. Rita Street Kabayanan, san Juan, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.