Bagong pabahay sa mga pulis at sundalo hindi na maaagaw ng Kadamay

By Chona Yu April 05, 2017 - 10:40 AM

Kadamay PandiTiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na maagaw ng mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang bagong pabahay na ipatatayo para sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa pangulo, may panahon pa naman sa buhay ng mga sundalo at mga pulis para mapagpatayuan ng bagong pabahay na may mas maayos, mas maganda at may tubig at kuryente na.

Paliwanag pa ng pangulo, para maiwasan ang gulo, hayaan na lamang ang kadamay na okupahin ang mga pabahay sa Bulacan.

Malinaw aniya ang kanyang naging warning sa Kadamay na huwag nang manggulo at mang-agaw ng ibang bahay.

TAGS: Bulacan, duterte, Kadamay, pabahay sa mga pulis at sundalo, PRRD, Bulacan, duterte, Kadamay, pabahay sa mga pulis at sundalo, PRRD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.