Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad agad ang apat na hakbang para masolusyunan ang problemang ito.
Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, inatasan siya ng pangulo na isagawa ang clearing operations sa service road ng Roxas Boulevard pagtapos ng Holy Week.
Pinagagawa rin siya ng pangulo ng guidelines para sa implementasyon ng flexible time schedule para sa mga government employees, pati na sa pagpapahintulot sa mga trucks na gumamit ng mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.
Bukod dito, hinimok din aniya siya ni Duterte na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng barangay na papalya sa kanilang tungkulin na panatilihing walang mga sasakyang iligal na naka-parada o kaya naka-hambalang sa mga kalsada.