Lalawigan ng Laguna at Lyceum sa Batangas, walang pasok dahil sa lindol
Dahil sa malakas na pagyanig na naranasan sa Tingloy, Batangas kagabi na sinundan ng maraming aftershocks, ilang istruktura ang napinsala.
Kabilang sa mga naapektuhang lugar ng lindol ay ang lalawigan ng Laguna.
Dahil dito, nagdeklara si Gov. Ramil Hernandez ng kanselasyon sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan para ngayong araw ng Miyerkules, April 5.
Sa anunsyo ni Hernandez, sinabi niyang may mga nakarating na impormasyon sa kaniya na ilang silid-aralan din ang napinsala dahil sa lindol.
Nais aniya muna niyang matiyak ang tibay ng mga gusali para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Bukod sa Laguna, nagdeklara na rin ng suspensyon sa klase at trabaho ang Lyceum of the Philippines University sa Batangas.
Simula pa kagabi, umaabot na sa mahigit 25 ang bilang ng mga maliliit na pagyanig na naramdaman sa lalawigan ng Batangas matapos ang magnitude 5.5 na lindol na tumama malapit sa bayan ng Tingloy.
Ayon sa Office of Civil Defense Region 4A, nagpatupad rin ng pre-emptive evacuation sa ilang mga barangay sa baybayin ng Batangas City dahil sa mga aftershock.
ito’y kahit walang tsunami waring na inilabas ang Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.