Sundalo patay sa pamamaril ng hinihinalang BIFF sa Maguindanao

By Kabie Aenlle April 05, 2017 - 04:23 AM

 

crime-scene-e1400865926320Nasawi ang isang hindi armadong sundalo sa Mamasapano, Maguindanao matapos barilin ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Martes ng hapon.

Kinilala ni Maguindanao police chief Senior Supt. Agustin Tello ang sundalo na si Corporal Tamano Macadatar ng 524th Engineering Battalion ng Philippine Army 52nd Engineering Brigade.

Kabilang aniya si Macadatar sa mga sundalong nagtatayo ng isang learning facility sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano nang barilin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-3:00 ng hapon.

Aniya pa, armado ng M1-Garand rifle ang suspek na lumapit pa kay Macadatar bago ito paputukan ng ilang beses.

Bagaman isa lang ang lumapit sa sundalo, sinabi ni Tello na may 10 iba pang gunmen na naka-posisyon na ilang metro lang ang layo mula sa bukhouse kung saan namamalagi ang mga sundalo.

Wala sa lugar ang mga kasamahan ni Macadatar nang mangyari ang pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.