Bongbong Marcos, malabong pumalit kay Sueno sa DILG

 

Malabo pang maitalaga si dating Sen. Bongbong Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya pa maitatalaga sa nasabing pwesto si Marcos dahil mukhang wala itong balak bitiwan ang electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.

Oras kasi na tanggapin ni Marcos ang posisyon, kakailanganin niyang bitiwan ang electoral protest.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na naghahanap pa siya ng kung sino ang maaring ipalit sa sinibak niyang kalihim ng DILG na si Ismael “Mike” Sueno.

Matatandaang ilang beses nang lumutang noon ang usap-usapang ipapalit si Marcos kay Sueno oras na ito ay masibak sa pwesto.

Ilang mambabatas rin tulad ni Sen. Antonio Trillanes IV ang nagduda sa pagsibak kay Sueno, na posible umanong diskarte lang para mabigyan ng posisyon sa Gabinete si Marcos.

Read more...