Duterte, nagpanting ang tenga kaya sinibak si Sueno

By Kabie Aenlle April 05, 2017 - 04:27 AM

 

Sueno DuterteIpinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging sanhi kung bakit niya sinibak si Interior and Local Government Secretary Mike Sueno sa kaniyang pwesto.

Sa Cabinet meeting na ginanap Lunes ng gabi, tinanong ni Pangulong Duterte si Sueno tungkol sa legal opinion na inilabas mismo ng opisina ng kalihim.

Gayunman, sinagot aniya siya ni Sueno na hindi pa niya alam ang tungkol dito at na hindi niya pa ito nababasa.

Dito na tila nagpanting ang tenga ng pangulo, dahil ayon kay Duterte, para siyang pinagmumukhang walang alam ng kalihim sa sagot nito.

Hindi aniya niya nagustuhan ang sagot sa kaniya ni Sueno, at naniniwala siyang pawang kasinungalingan lang ang mga ito.

Dahil dito, agad na lang niyang sinabi kay Sueno na “you are fired.”

Samantala, tinanggap naman na ni Sueno ang pagsibak sa kaniya ni Duterte sa pwesto, ngunit nanindigan siyang wala siyang kinasasangkutang anomalya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.