PH Embassy, kinumpirmang walang Pinoy na biktima sa St. Petersburg blast
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Moscow, Russia na walang Pilipinong nasaktan o naapektuhan ng pambo-bomba sa St. Petersburg metro system noong Lunes.
Ayon kay Ambassador Carlos Sorreta, siniyasat na nila ang listahan ng mga biktimang nasugatan sa pagpapasabog sa bahagi ng tren sa St. Petersburg.
Dito aniya nila nakumpirma na walang Pilipinong kasama sa mga biktima.
Matatandaang 11 katao ang nasawi sa nasabing pagsabog, habang aabot naman sa 45 ang nasugatang mga biktima.
Sa ngayon ay mino-monitor pa nila ang kalagayan ng mga sugatan at nasawimg biktima na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala, upang malaman kung mayroon bang nakabilang na Pilipino sa mga ito.
Nanawagan naman ang embahada sa mga Pilipino sa Russia na iwasan muna ang lumabas ng kanilang tahanan, pag-ibayuhin ang pag-iingat at sumunod sa mga abiso ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.