Bagyong Ineng bumagal, ngunit nanatli ang kanyang lakas

aug 21 5am goniRamdam na ang hagupit ng Bagyong Ineng sa Hilaganag Luzon na kasalukuyang bumabayo sa ilang luga sa Region 1 at 2.

Bagamat bumagal ang bagyo, nananatili naman ang kanyang lakas na ngayo’y tinatahak ang Batanes-Cagayan Area.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang bagyong Ineng sa layong 170 km Silangan ng Calayan, Cagayan.

May lakas na 170 kilometro kada oras, at bugso na aabot hanggang 205 kilometro kada oras.

Itinaas ang Signal No. 3 sa Batanes Group of Islands, Hilagang Cagayan, at kasama ang Babuyan at Calayan Group of Islands.

Signal No. 2 naman sa kabuuan ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Inilagay naman sa Signal No. 1 ang Isabela, Hilagang Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Abra at Ilocos Sur.

Gumagalaw ang bagyong Ineng ng kanluran, pahilagang pakanluran sa bilis na 7 kilometro kada oras.

Pinaghahanda na ng mga Disaster management officials ang mga residenteng lubos na maapektuhan, partikular na ang mga nasa tabi ng dagat at ilog dahil sa laki ng alon, at pagragasa ng tubig, at maging ang mga nasa dalisdis ng kabundukan dahil sa maaaring insidente ng landslide.
Ramdam na sa Batanes ang tama ng mata ng bagyo.

Hindi na rin pinayagan ang mga mangingisda na pumalaot sa karagatan dahil sa tindi ng sungit ng panahon./Stanley Gajete

Read more...