30 aftershocks, naramdaman sa Batangas dahil sa magnitude 5.5 na lindol

 

Contributed photo/Erwin Aguilon

Sunud-sunod na aftershock ang naranasan ng malaking bahagi ng Batangas at mga kalapit lalawigan makaraan ang magnitude 5.5 na lindol na tumama sa bayan ng Tingloy, Batangas, dakong alas 8:58 Martes ng gabi.

Mula sa magnitude 5.4, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 5.5.

Reported Intensity:

Intensity V –

Batangas City
Malvar, Batangas
Calatagan, Batangas

 

Intensity IV –

Makati City;
Obando, Bulacan;
Imus, Cavite
Indang, Cavite;
Calamba, Laguna;
Sta. Ana, Manila
Valenzuela City;
Tagaytay City, Cavite

Intensity III

Mandaluyong City;
Quezon City;
Gen. Trias, Cavite;
Dasmariñas, Cavite;
Pasay City;
Lucena City,

Intensity II –

Talisay, Batangas;
Abra De Ilog, Occidental Mindoro

Instrumental Intensities:

Intensity IV –

Tagaytay City

Intensity III –

Mauban, Quezon;

Lucena City

Hanggang kaninang alas 3:48 ng madaling-araw, nakapagtala ng nasa 30  aftershocks ang Phivolcs, matapos ang orihinal na pagyanig.

Pinakamalakas sa mga aftershocks ang naitala sa magnitude 4.9. Ayon kay Dr. Renato Solidum, naitala ang episentro ng mga pagyanig sa paligid ng bayan ng Tingloy, Batangas. Nagpaalala naman si Solidum sa publiko na iwasang mag-panic. Resulta naman ng naunang lindol, tatlong barangay sa bayan ng San Pascual, Batangas ang nakaranas ng pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng kuryente. Inilikas naman ang mga pasyente sa Batangas Regional Hospital sa Batangas City dahil sa sunud-sunod na aftershocks.  

Nagtamo naman ng ‘minor damage’ ang Taal Basilica sa Taal, Batangas dahil sa lindol.

Read more...