Isa pang Cabinet official, nasermunan ni Pang. Duterte dahil sa isyu ng korupsyon-Abella

By Chona Yu April 05, 2017 - 04:27 AM

 

duterte-cabinet-meeting-4May isa pang cabinet official ang pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin sa puwesto dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ang panenermon ng pangulo sa Cabinet official sa Cabinet meeting na ginawa kamakalawa sa Palasyo ng Malakanyang.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Abella kung sino ang naturang cabinet official na napagsabihan.

Matatandaang paulit ulit na sinasabi ng pangulo na hindi niya kukunsitihin ang korupsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Kahapon, sinibak ni Pangulong Duterte si DILG Sec. Ismael Sueno matapos madawit sa kontrobersiya sa kanyang Kagawaran.

Samantala, bahala na ang pangulong Rodrigo Duterte kung pasasampahan ng kaso si Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno.

Ito ay matapos sibakin kagabi ng pangulo si Sueno dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon kay Abella, nasa pangulo na ang pagpapasya kung mayroong subsequent actions na gagawin kay Sueno.

Matatandaang bukod kay sueno, sinibak na rin ni pangulong Duterte ang matalik niyang kabigang si National Irrigation Administration Administrator Peter Laviña dahil sa isyu pa rin ng korupsyon.

Gayunman, hanggang ngayon, wala pang naisasampang kaso sa korte laban kay Laviña.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.