Magnitude 5.4 na lindol, yumanig sa Batangas at kalapit lalawigan

By Jay Dones, Jong Manlapaz April 04, 2017 - 09:54 PM

 

Mula sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang lalawigan ng Batangas dakong alas 8:58, Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang episentro ng lindol sa layong pitong kilometro sa hilaga-kanlurang bahagi ng bayan ng Tingloy, Batangas.

May lalim na tatlong kilometro ang paggalaw ng lupa at tectonic ang pinagmulan.

Dahil sa mababaw ang pinagmulan ng pagyanig, naramdaman ang intensity IV sa Makati City at Obando, Bulacan.

Intensity III naman ang naramdaman sa Mandaluyong City, Quezon City, Gen. Trias at Dasmariñas sa Cavite, Lucena City sa Quezon at Sta. Ana sa Maynila.

Intensity II naman ang naramdaman sa Talisay, Batangas at Pasig City.

Patuloy ang pagkalap ng impormasyon ng Phivolcs sa iba pang lugar na nakaramdam ng pagyanig.

Samantala, mahigit sampung minuto lang pagkatapos ng unang lindol tumama naman ang 4.6 magnitude na lindol, at sinundan ito ng 2.5 magnitude pagsapit ng 9:17 ng gabi.

Pagkalipas lang ng siyam na minuto isa pang afteshock ang tumama sa Tingloy, Batangas na may lakas na magnitude 2.6.

Dakong alas 10:09 ng gabi, isa pang magnitude 4.0 ang naitala sa naturang lugar na sinundan ng mas mahinang magnitude 2.2 makalipas ang siyam na minuto.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.