Housing units sa Pandi, Bulacan ibibigay na sa mga miyembro ng Kadamay

By Den Macaranas April 04, 2017 - 07:38 PM

Kadamay Pandi
Photo: Radyo Inquirer

Tanging ang pagiging mahirap lamang ng mga kasapi sa grupo Kadamay ang nakikitang kasalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya hinayaan na lamang nito na mang-agaw ng pabahay sa Pandi, Bulacan na para sana sa mga sundalo at pulis.

Sa talumpati ng pangulo sa 120th founding anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig City, sinabi nito na dapat na hayaan na lamang ang Kadamay.

Pagtitiyak ng pangulo, may sapat pang pondo ang National Housing Authority para sa pagpapatayo ng mas maganda, mas malaki, mas komportableng pabahay para sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa pangulo hindi daw sana ma-offend ang mga sundalo at mga pulis at maging open minded na lamang at intindihin na lamang ang grupong Kadamay.

Target ng pangulo na matapos ang bagong pabahay sa mga pulis at sundalo sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

TAGS: AFP, duterte, Kadamay, Pandi, PNP, AFP, duterte, Kadamay, Pandi, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.