Bureau of Immigration sinisi ng Malacañang sa problema sa mga tauhan

Naia Pila
Inquirer file photo

Sinisi ng Malacañang ang Bureau of Immigration kung kaya mahaba ang pila ng mga pasahero ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay dahil sa hindi pagpasok ng mga immigration personnel sa kani-kanilang trabaho dahil sa hindi nabayarang overtime pay.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, noong January 5, 2017 ay nagkasundo ang Department of Budget, Department of Justice at Bureau of Immigration na magkaroon ng additional positions para matugunan ang hinaing ukol sa sweldo ng mga confidential agents at job orders.

Sinabi pa ni Abella na inaprubahan na rin ng DBM ang pagdadagdag ng 887 immigration officers sa kasalukuyang 1,204 na empleyado ng B.I.

Gayunman, hindi umano ito tinanggap ng B.I at nanindigan na bayaran pa rin ang kanilang overtime pay.

Aminado si Abella na nababahala ang Palasyo sa kawalan ng aksyon ng ahensiya lalo’t inaasahang dadagsa na naman ang mga pasahero sa mga paliparan ngayong nalalapit na ang Semana Santa.

Read more...