Kurapsyon sa Duterte administration mas lumala ayon kay Trillanes

By Jan Escosio April 04, 2017 - 03:20 PM

trillanes-1-620x408Ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes IV na may mga appointed officials si Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa katiwalian.

Ito aniya ay base sa ginagawa nilang sariling monitoring.

Paliwanag nito na noong administrasyong-Arroyo, ang pera na nakukurakot ay umakayat pa hanggang sa Malacañang pero nabawasan naman ang pagnanakaw sa pondo ng bayan noong Aquino administration.

Pero aminado naman si Trillanes na hindi umaabot kay  Duterte ang nakukurakot na pera pero mas malala naman ang ilan sa kanyang mga opisyal dahil sinosolo nila ang pera.

Bagaman tumanggi si Trillanes na magbigay ng detalye sa ginagawa nilang corruption monitoring ay nagpahiwatig ito na may gagawin siyang hakbang sa hinaharap gamit ang makukuha nilang mga ebidensiya.

TAGS: Aquino, Arroyo, duterte, graft and corruption, trillanes, Aquino, Arroyo, duterte, graft and corruption, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.