Brgy at SK elections postponement, malabong lumusot sa Senado

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sakaling lumusot man sa Kamara ang pagpapaliban muli ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na mahihirapan naman ito sa Senado.

Aniya sa planong pagtatalaga na lang ng pangulo ng mga uupong opisyal ng barangay, ito ay malinaw na pagyurak sa karapatan ng mamamayan na piliin ang nais nilang lider sa pamamagitan ng boto.

Paglilinaw pa ni Trillanes na hanggang walang nangyayaring botohan sa mga barangay officials ay mananatili pa rin ang mga ito sa puwesto.

Binanggit pa ng senador na sa hanay nilang minority senators ay napag-usapan na nila na harangin ang muling pagpapaliban sa Brgy at SK elections.

Dagdag pa ni Trillanes, duda din siya na lulusot ang panukala sa Kamara na kontrolado ng mga kaalyado ng pangulo.

Read more...