PNP, ayaw magkomento sa pagkakasibak sa puwesto ni DILG Sec. Mike Sueno

By Ruel Perez April 04, 2017 - 01:51 PM

Ronald Dela Rosa2Tikom ang bibig ng pamunuan ng Philippine National Police sa usapin ng pagsibak sa puwesto kay Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang isinagawang cabinet meeting gabi ng Lunes.

Ayaw ng magkomento ni PNP chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa nang tanungin sa launching ng PNP Online LTOPF application.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos na bilang miyembro ng Executive branch ng gobyerno, sila ay nagsisilbi batay sa kagustuhan ng pangulo ng bansa.

Dagdag pa ni Carlos na suportado ng PNP ang anumang magiging desisyon ni Pangulong Duterte.

Sa inilabas na pahayag ng Palasyo, nawalan umano ng kumpiyansa at tiwala ang pangulo kay Sueno kung kaya tinanggal ito bilang kalihim ng DILG.

Samantala, sa huli ay sinabi rin ni Carlos na naging kuntento naman ang PNP sa maiksing panunungkulan ni Sueno bilang namumuno sa DILG.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.