Amerika, nag-alok ng ‘full support’ sa pagtugon ng Russia sa St. Petersburg train bombing

By Mariel Cruz April 04, 2017 - 12:23 PM

TRUMP AT PUTIN
INQUIRER FILE PHOTO

Nangako si US President Donald Trump na buong suporta ang ibibigay ng gobyerno ng Amerika sa pagtugon ng Russia sa naganap na pag-atake sa St. Petersburg Metro.

Ito ang naging resulta ng pag-uusap nina Trump at Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa White House, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawang lider sa pamamagitan ng telepono.

Napagkasunduan aniya nina Trump at Putin na agaran nang sugpuin ang terorismo sa dalawang bansa.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Trump sa pamilya ng mga biktima at mariing kinondena ang naturang pag-atake na itinuturing ng Russia na isang “act of terror”.

Umabot sa labing isa ang nasawi sa insidente habang marami naman ang nasugatan.

Sinimulan na rin ng Russia ang imbestigasyon ukol sa pag-atake, na hanggang ngayon ay wala pang umaako sa responsibilidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.