100 pulis na nag-awol matapos ipatapon sa Basilan, sisibakin sa puwesto

NCRPO-Basilan
FILE PHOTO

Aabot sa isandaang pulis mula National Capital Regional Police Office (NCRPO) at karatig police offices na inirekomendang ilipat sa Basilan ang namemeligrong tuluyang masibak sa serbisyo.

Ayon kay Philippine National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, binigyan na ng pagkakataon ang mga pulis na magbago sa pamamagitan ng pagpapalipat sa kanila sa Basilan sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit nagmatigas ang mga ito at nag-awol pa o absence without offiical leave.

Ani Dela Rosa, natapos na ang panahong itinakda ng batas at regulasyon ng PNP para bigyan ng pagkakataon ang mga pulis na ihain ang kanilang panig.

Sa ngayon, ginagawa na lang umano ang final resolution sa mga kasong ito ng mga nasabing pulis at hinihintay na lamang na makarating sa kaniyang opisina para malagdaan.

Tiniyak naman ni Bato na dumaan sa tamang proseso ang imbestigasyon sa mga pulis na ito.

Read more...