Pagsibak ni Duterte kay Sueno, pinuri ng taga-oposisyon sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali April 04, 2017 - 10:59 AM

Harry RoqueHumanga si House Deputy Minority Leader at Kabayan PL Rep. Harry Roque sa ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Sec. Ismael “Mike” Sueno.

Ginawa ng presidente ang dismissal sa kalihim sa ika-labing apat na cabinet meeting sa Malakanyang kagabi.

Ayon umano kay Duterte, nawalan na siya ng tiwala at confidence sa Kalihim.

Para kay Roque, ipinapakita lamang ng hakbang ng pangulo na seryoso ang pamahalaan nito sa zero-tolerance pagdating sa kurapsyon.

Umaasa naman ang kongresista na seseryosohin ng iba pang mga opisyal ng administrasyon ang pagkakasipa sa pwesto ni Sueno, maging ang anti-corruption agenda ng gobyerno.

Matatandaan na isa si Sueno sa mga kumumbinsi noon kay Duterte na sumabak sa 2016 Presidential race, pero ani Roque, hindi ito sapat na rason para hindi mapatalsik ang sinumang tiwaling opisyal.

Batay sa ilang ulat, nakaabot umano sa pangulo ang pangongolekta raw ni Sueno ng pera mula sa illegal gambling kapalit ng proteksyon para sa mga ito, na pinabulaanan naman ng kalihim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.