Mabigat na daloy ng trapiko, asahan na sa Pasay City dahil sa concert ng Coldplay

By Mariel Cruz April 04, 2017 - 10:57 AM

MMDA COLDPLAY
MMDA’s Twitter account

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa Pasay City dahil sa concert ng rock band na Coldplay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Magaganap ang ‘one-night concert’ ng banda na bahagi ng kanilang “A Head Full of Dreams” world tour sa SM Mall of Asia Concert Grounds mamayang gabi ng Martes.

Sa isang tweet, sinabi ng MMDA na magiging mabigat ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada:

– EDSA Extension simula Taft Avenue patungong SM Mall of Asia
– Macapagal Boulevard
– Roxas Boulevard

Malaking volume ng mga fans ng Coldplay ang inaasahang dadalo sa naturang concert.

Kaya abiso ng MMDA sa mga motorista, iwasan ang mga nabanggit na kalsada at dumaan nalang sa alternatibong ruta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.