Empleyado ng MIAA, arestado matapos mahulihan ng umano’y shabu sa labas ng International Cargo Terminal

By Cyrille Cupino April 04, 2017 - 10:46 AM

NAIA Terminal 1Arestado ang isang empleyado ng Manila International Airport Authority matapos mahulihan ng umano’y shabu sa labas ng Gate 3 ng International Cargo Terminal sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Jesus Detollo, nagta-trabaho bilang janitor ng MIAA sa Admin Building.

Batay sa impormasyon mula sa Special Task Group ng Office of the General Manager Security ng NAIA, narekober ng mga tauhan ng PDEA ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspect.

Aabot sa halagang 1,200 pesos ang halaga ng shabu na nakuha kay Detollo.

Sinasabing si Detollo ang supplier sa mga empleyado ng International Cargo Terminal na gumagamit ng iligal na droga.

Dinala na sa Kampo Crame ang suspect at nakatakdanga i-prisinta sa media ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ngayong umaga.

Mahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.