Toll collection points sa NLEX, dadagdagan sa Holy Week

By Ricky Brozas April 04, 2017 - 10:40 AM

toll gate
FILE PHOTO

Asahan na raw ang mabigat na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway mula hapon ng April 12, Miyerkules Santo hanggang umaga ng April 13 o Huwebes Santo.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, 15 percent ang inaasahan nilang paglobo sa bilang ng mga babaybay sa NLEX at katumbas ito ng 250,000 na mga sasakyan.

Dahil dito, naghahanda na sila sa pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya at ikinakasa na nila ang kanilang “Safe Trip Mo Sagot ko” program sa Mahal na Araw.

Simula April 7 hanggang April 17, magdadagdag ang NLEX ng patrol vehicles at enforcers na ipakakalat sa mga kalsada para asistehan ang mga mororista.

Sa April 7, 8, 12 at 13 naman ang Balinatawak Toll Plaza ay magbubukas ng maximum na 30 toll collection points mula sa normal nilang 16.

Magdadagdag din ang Mindanao Avenue Toll Plaza ng kanilang collection points sa 15 mula sa normal na 5.

Gagawin namang 29 ang toll collection points ng Tarlac Toll Plaza mula sa 5 at mula sa 4 na toll collection points ay magiging 12 na ang bubuksan ng Tipo Toll Plaza.

Ang Bocaue Toll Plaza naman ay itotodo ang kanilang collection points sa 53.

Sinabi rin ng NLEX na pansamantala muna nilang ihihinto ang road works sa Mahal na Araw para matiyak ang mabilis na pagbiyahe ng mga sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.