Dagdag presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw
Matapos ang limang linggong sunud-sunod na rollback, magpapatupad naman ngayon ang mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Epektibo ngayong Martes, April 4, magtataas ng 35 centavos sa halaga ng kada litro ng kanilang diesel at gasolina ang mga kumpanyang Jetti, Petron, Eastern, PTT, Phoenix, Shell, SeaOil simula alas-6:00 ng umaga, habang ang Flying V ay nauna nang magpatupad kaninang 12:01 ng hatinggabi.
Magpapatupad rin ng 30 centavos na dagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene ang mga kumpanyang Shell, SeaOil, Petron, Flying V ngayong araw.
Una nang sinabi ng Department of Energy na inaasahan na nila ang pagtaas ng presyo ng langis sa mga susunod na araw, lalo na’t karaniwan itong nangyayari tuwing panahon ng tag-init.
Mas mataas kasi ang demand sa mga produktong petrolyo sa merkado sa mga ganitong panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.