Peace talks, babagsak kung hindi masusunod ang mga kondisyon ni Pres. Duterte

By Kabie Aenlle April 04, 2017 - 03:47 AM

 

Joan Bondoc/Inquirer

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na ilulunsad niya ang bagong attack aircraft at ang buong pwersa ng pamahalaan sakaling hindi pa mag-resulta ng maganda ang panibagong round ng peace talks.

Maliban dito ay iginiit ng pangulo na dapat masunod ang mga bagong kondisyon na kaniyang hinihingi mula sa kabilang panig, tulad ng pagpapahinto sa mga pangingikil at pang-aangkin ng mga teritoryo.

Inakusahan rin ni Duterte ang mga rebelde ng pambubulilyaso sa usaping pangkapayapaan.

Ani pangulo, magpapatuloy pa ang 48 taong awayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga guerilla kung hindi pa rin tatanggapin ng mga ito ang kaniyang mga inilatag na kondisyon.

Kabilang pa sa mga inilatag na kondisyon ni Duterte sa mga guerilla ay ang pagbuo ng joint ceasefire agreement at pagpapalaya sa mga sundalo, pulis at sibilyan na bihag ng mga rebelde.

Aniya, hindi siya mag-aatubiling gamiting ang buong pwersa ng gobyerno laban sa mga kalaban ng pamahalaan.

Kahapon ay nagsimula na muli ang ika-apat na round ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa The Netherlands.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.