Amihan at cold front, magdadala pa rin ng mga pag-ulan
Sa kabila ng mainit na panahon na nararanasan, makakaranas pa rin ang ilang bahagi ng bansa ng pag-ulan dahil sa epekto ng northeast monsoon o amihan at tail-end of a cold-front.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na makakaapekto ang amihan sa northern at central Luzon, habang ang tail-end of a cold front naman ang makakaapekto sa panahon sa eastern section ng Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa PAGASA, asahan ang katamtaman at manaka-nakang pagkulog at kidlat sa Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Caraga, Davao, at Quezon Province.
Mahinang ulan naman ang inaasahang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos region at Central Luzon.
Maari namang makaranas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng pulu-pulong pag-ambon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.