Pag-iisip ni Supt. Cabamongan, apektado na dahil sa droga-PNP Crime Lab

By Jay Dones April 04, 2017 - 04:32 AM

 

Col. Shabu1Posibleng naapektuhan na ng walang pakundangang paggamit ng ipinagbabawal na droga o di kaya ang pag-iisip ng naarestong hepe ng PNP Crime Laboratory Satellite office na si Supt. Lito Cabamongan.

Ito ang inisyal na pagsisiyasat ng mga tauhan ng PNP Crime Lab na nagsagawa ng initial aassessment sa kanilang kabaro matapos itong maaresto sa aktong gumagamit ng shabu.

Dumaan na sa initial at confirmatory drug test ang naarestong PNP official at kapwa nagpositibo ito.

Paliwanag ni Chief Supt. Aurelio Trampe, dumaranas na ng ‘psychosis’ o pagkahibang si Cabamongan na posibleng dulot ng paggamit ng droga.

Bago naaresto, inireklamo na rin si Cabamongan dahil sa harassment pagsasayaw umano ng hubad at pagtatangkang manood ng libre sa isang sinehan sa isang mall.

Si Cabamongan ang pinakamataas na opisyal ng PNP sa kasalukuyan na nadakip dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Samantala, ipinag-utos na rin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa PNP Crime Laboratory na isalang sa inventory ang mga droga na nasa kustodiya ng Alabang Satellite office na pinamumunuan ni Cabamongan upang matiyak na hindi napapalitan ng ‘tawas’ ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.