Pagkakaroon ng GF ni Speaker Alvarez, open secret sa Kamara

By Jay Dones April 04, 2017 - 04:39 AM

 

alvarez vicencioBatid ng nakararaming mambabatas at maging mga staff ng Kamara ang pagkakaroon ng ‘girlfriend’ ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Matatandaang si Alvarez ang isa sa mga maingay noon na kumastigo kay Senador Leila De Lima dahil sa pagkikipagrelasyon nito sa kanyang driver na si Ronnie Dayan.

Paliwanag ni Kabayan Rep. Harry Roque, naging tapat pa si Alvarez sa publiko dahil hindi naman nito tinangkang itago ang kanyang relasyon.

Kahit sa simula pa lamang aniya ay alam na nilang hiwalay na si Alvarez sa kanyang maybahay na si ginang Emelita na pinuno naman ng Congressional Spouses Foundation Inc. na may tanggapan sa Kongreso.

Ang karelasyon na rin aniya nitong si Jennifer Maliwanag Vicencio ang minsan na ring nakakasama ng Speker sa ilang ilang okasyon sa Kamara.

Iba rin aniya ang kaso nina Alvarez at De Lima.

Sa kaso aniya ni De Lima at Dayan, may alegasyon ng ‘possible criminal act’ dahil ginawa umanong bagman ng senadora ang kanyang driver/lover na wala sa kaso nina Alvarez at Vicencio.

Para naman kay Surigao Del Norte rep. Robert Ace Barbers, suportado pa rin ng malaking bilang ng mga mambabatas at maging ng pangulo si Alvarez sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.