10 patay sa pambobomba sa St. Petersburg sa Russia

By Den Macaranas April 03, 2017 - 08:49 PM

St
AP

(Breaking) Sampu ang patay samantalang maraming iba pa ang sugatan sa magkasunod na pagsabog sa isang Metro Rail station sa St. Petersburg sa Russia.

Sinabi ni Kremlin Spokesman Dmitry Peskov na ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin ang masusing imbestigasyon sa nasabing pag-atake.

Naganap ang dalawang pagsabog sa loob ng isang train sa Sennaya Ploschad Station, pasado alas-sais ng gabi oras sa Pilipinas.

Kasalukuyang nasa St. Petersburg si Putin nang maganap ang pagsabog.

Wala pang grupong umaangkin sa naganap na pagpapasabog sa St. Peterburg na siyang ikalawa sa pinakamalaking lungsod sa Russia.

TAGS: bomb train, metro, st. petersburg, subway, Vladimir Putin, bomb train, metro, st. petersburg, subway, Vladimir Putin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.