Banta kay ex-PNOY ng NPA dapat seryososin ayon kay Lacson

By Jan Escosio April 03, 2017 - 08:09 PM

Aquino Times1
Inquirer file photo

Ipinaalala ni Sen. Ping Lacson sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (PNP) na mandato nila na protektahan si dating Pangulong Noynoy Aquino at ang iba pang nasa arrest order ng National Democratic Front.

Paalala ni Lacson, tanging ang korte lang ang may kapangyarihan na magpataw ng parusa sa sinuman ang lumalabag sa batas.

Giit pa ng mambabatas na dapat habulin ang mga rebeldeng komunista kapag sinunod nila ang utos ng NDF.

Nauna nang inihayag ng NDF na kailangan papanagutin si Aquino maging sina North Cotabato Gov. Emmylou Talino-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Rep. Nancy Catamco at mga pulis at opisyal na sangkot sa magulong pagbuwag ng mga nag-protestang magsasaka sa Kidapawan City may isang taon na ang nakakaraan.

TAGS: Aquino, kidapawan, NDF, NPA, Aquino, kidapawan, NDF, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.