Militanteng kongresista pumalag sa pagtawag na “terorista” sa NPA
Kinastigo ni House Committee Vice Chairman For Peace Reconciliation And Unity at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate si Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil sa pagtawag sa New People’s Army o NPA bilang mga terorista.
Bwelta ni Zarate, ang pahayag ng kalihim ay hindi makatutulong sa ika-apat na round ng peace negotiations na aarangkada ngayon araw sa The Netherlands.
Paalala ng mambabatas, mismong si GRP Peace Panel Head Secretary Silvestre Bello III ang nagsabi na asahan na ang mga aktibidad ng NPA dahil wala pa namang deklarasyon ng unilateral ceasefire.
Ang panig naman ng Armed Forces of the Philippines o AFP ay patuloy sa military operations na pinalalabas na peace missions.
Giit ng progresibong kongresista, sa gitna ng peace talks ay dapat iwasan ang mga pahayag gaya ng sinabi ni Lorenzana dahil walang mabuting maidudulot ito sa magkabilang panig lalo’t kritikal na isyu ang pag-uusapan ng panel kabilang ang socio economic reforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.