Presidente ng Davao Oriental State University, pinasususpinde ng Ombudsman
Anim na buwan na suspension ang ipinataw ng Ombudsman sa presidente ng Davao Oriental State University at mga miyembro ng Bids and Awards Committee dahil sa maanomalyang bidding.
Sa desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, napatunayang guilty sa kasong Conduct Pre Judicial to the Best Interest of the Service si Jonathan Bayongan, kasama si Airma Ladera, chairman ng BAC, Vivian Labasano na OIC ng Administrative Services at Erlinda Patosa na miyembro din ng BAC.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman Mindanao, nadiskubre noong March 2006 na bumili ang nasabing eskwelahan ng mga supplies at equipment para sa kanilang Funda Laboratory ng walang bidding at walang ring nakalaang pondo.
Nadiskubre din sa mga dokumento na nagawang kumuha ng quotation ang BAC sa tatlong supplier subalit pinayagan pa rin nilang makapasok ang isa pang kumpanya na Multilab at dito pa magawang i-award ang kontrata.
Tumaas din umano ang halaga ng kontrata mula sa P225,000 patungong P300,000 kung saan labag umano ito sa Procurement Regulations of 2006.
Dahil dito, inatasan ng Ombudsman ang Regional Director ng Commission on Higher Education Region 11 na ipatupad ang suspension sa mga akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.