Sex Education, palalakasin ng Population Commission
Tatapatan ng Population Comission ng komprehensibong Sexuality Education ang patuloy na paglobo ng kaso ng mga kabataan na maagang nagbubuntis.
Ayon kay POPCOM Executive Director Antonio Perez III, ang pangmalawakang pagtuturo ang pinakamabisang sandata laban sa unintended teen age pregnancies.
Pangunahing sanhi nito ang pagkalulong sa ilegal na droga at hindi maayos na paggamit ng teknolohiya.
Batay sa 2014 Vital Registry of the Philipines, tumaas ng mahigit anim na libo ang kaso ng teenage pregnancy.
Mula sa 203,653 na naitala noong 2011, pumalo na ito sa 209,872 noong 2014.
Ang nangungunang rehiyon sa teenage pregnancy cases ay ang CALABARZON na may 28,605, Metro Manila 26,606 at Central Luzon 24,729.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.