Mabigat na daloy ng trapiko, naranasan sa Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu dahil sa pagbuhos ng ulan
Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang naranasan mga pag-ulan sa mga lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu, umaga ng Lunes.
Sa Mandaue City, naging dahilan ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa First Mandaue-Mactan Bridge ang knee-deep na pagbaha.
Ang nasabing tulay ang nagduduktong sa mainland Cebu at Mactan Island.
Naiulat din ang pagbaha sa national highways sa Barangay Tipolo, Mandaue.
Ayon kay Councilor Dave Tumulak, nakaranas din ng pagbaha na hanggang tuhod ang Colon Street, MJ Cuenco Avenue at Tagunol sa Cebu City.
Sa kabila nito, wala naman naitalang landslide bunsod ng pag-ulan pero naapektuhan naman ang seremonya ng makasaysayang Battle of Tres de Abril sa Cebu City.
Dahil dito, napilitan ang mga organizer na ilipat ang naturang seremonya sa Rizal Memorial Library sa Osmeña Boulevard mula sa marker ng Tres de Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.