14 na Pinoy crew sa lumubog na South Korean cargo ship, patuloy na pinaghahanap
Pinangangambahang wala nang buhay sa dalawampu’t dalawang crew members na nawawala matapos lumubog ang isang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean, sa bahagi ng Montevideo, Uruguay.
Ayon kay Gaston Jaunsolo, spokesman ng Uruguayan Navy, habang tumatagal ang oras, mas lumiliit ang tsansa na makikita pa ang mga nawawalang crew.
Sa bilang ng mga nawawala, walo dito ay South Korean nationals habang labing apat naman ang Filipino.
Matatandaang noong nakaraang Sabado, dalawang Pinoy ang nailigtas mula sa isang life raft.
Natagpuan din sa lugar ang iba pang lifeboats at rafts pero wala nang laman ang mga ito.
Ayon pa kay Jaunsolo, isang Brazilian plane na ang nagsagawa ng aerial search simula pa kahapon ng umaga ng Linggo pero wala pa rin namamataan na survivor.
Ang barkong Stella Daisy na pag-aari at inooperate ng Polaris Shipping na naka-base sa Busan, South Korea ay naglalayag mula sa Brazil patungong China at may dalawang iron ore nang lumubog ito noong Biyernes.
Sa mga oras na ito ay patuloy ang search and rescue operations sa dalawa pang life rafts na posibleng may sakay na survivors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.